Ang celebrity couple na si Jessy Mendiola at Luis Manzano ay nagbigay update sa kanilang pregnancy journey. Nagbahagi ang dalawa ng sonogram kung saan mas malinaw na makikita ang mukha ng isang baby sa sinapupunan.
Credit: @jessymendiola Instagram
Sa bagong YouTube video vlog ni Jessy makikita ang life at journey update nilang mag-asawa.
Habang ipinapaliwanag sa kanila ng doctor ang ilang bahagi ng katawan ng kanilang baby gamit ang ultrasound biglang napasabi si Luis ng “Thank you, Lord kamukha niya” nang makita nito ang mukha ng kanilang baby sa monitor. Tila pasasalamat ng aktor dahil kamukha ito ng kaniyang asawa na si Jessy.
Maganda ang naging resulta ng checkup ni Jessy. Normal at healthy ang kanilang baby peanut kahit pa nagkaroon kamakailan ng C0VID si Jessy. Labis naman din ang pasasalamat ng couple dahil hindi ito nakaapekto sa kanilang anak.
“Peanut is okay. Peanut is normal, even after my C0VID !nfection,” saad niya.
“We’re just really grateful kasi si Peanut, strong si Peanut. Normal ang growth niya, normal ang weight niya. Sino kayang kamukha?… Ang importante healthy siya,” dagdag pa nito.
Ngayon ay 6 months pregnant na ang aktres. Nabanggit nito na nakaplano rin silang mag asawa na lumipat sa bagong tahanan kung saan mas safe mag-alaga at magpalaki ng isang bata. Unti-unti na rin nitong pinaghahandaan ang kanilang baby’s room sa bagong tahanan na kanilang lilipatan.
Nagbigay rin ng maiksing advice ang aktres sa tulad nilang bagong kasal at first time parents sa kaniyang vlog.
Credit: @jessymendiola Instagram
“Advice ko rin sa mga couple, sa mga soon to be parents, to support each other. Nandyan yung worries di’ba, nandyan yung anx!ety, andyan yung fear minsan, syempre kaakibat ng kasiyahan, ng joy andyan pa rin yung pagaalala, yung doubt,” sabi ni Jessy.
Credit: @jessymendiola Instagram
“It’s very important na you support each other, be open to each other, kung ano yung nararamdaman mo… Sabihin mo sa partner mo para lang din maintindihan niya where are you coming from. ‘Wag mo tiisin, kasi mahirap yung tinitiis mo lahat, baka lumabas pa sa iba or mag manifest sa ibang paraan,” dagdag pa nito.
The post Jessy Mendiola at Luis Manzano, ipinakita ang mukha ng kanilang baby appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment