Ano nga ba ang tunay na meaning ng salitang “influencer?” Sa panahon ngayon, halos lahat sa atin ay may kilala at iniidolong influencers. Sa panahon ngayon na lamang ang away at alitan sa pagitan ng nagsisikatang vloggers, kinakailangan talaga natin na mamili ng iidolohin na hindi lamang nakakapagbigay sa atin ng kasiyahan kundi ay pati na rin ng inspirasyon at motivation na magpursige sa buhay at makagawa ng mabuti sa ating kapwa.
Credit: Ninong Ry YouTube
Tunay nga naman na nakaka-inspire ang pagpapasilip ng iilang celebrities at vloggers sa kanilang lavish na lifestyle pero kung inspirasyon lang naman ang pag-uusapan ay tiyak na walang makakatalo kung kabutihan sa kapwa ang ating natututunan mula sa iniidolo nating influencers katulad na lamang ng isang Pinoy vlogger na kumakailan lamang ay nagluto at namigay ng pagkain sa mga preso.
Marahil ay iilan lamang sa atin ang nakakakilala kay Ryan Reyes o mas kilala bilang si “Ninong Ry” pero isa lang naman siya sa vloggers ngayon na sobrang healthy at inspiring ng contents sa Youtube.
Bago umangat sa kasikatan, isa lamang palengke vendor si Ninong Ry hanggang nadiskubre nga niya ang Youtube kung saan ay mas lumawig pa ang kanyang pangalan at skills sa pagluluto. Kahit sobrang layo naman ng kanyang narating ngayon sa buhay, nananatili pa rin naman siyang humble at matulungin sa kanyang kapwa dahilan kung bakit patuloy talaga na dumodoble ang kanyang supporters at fans.
Credit: Ninong Ry YouTube
Sa vlog na ibinahagi ni Ninong Ry nito lamang, napagdesisyunan niyang bisitahin ang San Juan City Jail at nagluto ng masasarap na mga pagkain para sa mga preso na kaagad namang humaplos sa puso ng netizens dahil bibihira lamang umano para sa mga sikat na taong katulad niya na mag-abala pa sa ganitong klaseng mga bagay.
“Yung ibang Filipino vloggers, wala na ngang kakwenta-kwenta yung mga video nila, nag aaway-away pa. Dito kay Ninong Ry, bukod sa entertainment at matututo kang mag luto, may mga bagay ka pang matututunan tungkol sa aspeto ng buhay.”
Credit: Ninong Ry YouTube
“In a world full of “influencers” you as a newbie YouTuber “Ninong Ry” gave us the real meaning of INFLUENCER. I salute you for doing this!!! FIRST-TIME INFLUENCERS THAT SHARE THIS KIND OF CONTENT … THE BEST!!!!!”
“This is something you don’t see everyday and not everyone can execute this. Thank you for this, Ninong. Kudos! More blessings to come.”
Credit: Ninong Ry YouTube
Habang tumatagal, mas lalo umano na napapatunayan ng fans ni Ninong Ry na hindi sila nagkamali sa pagpili ng taong susuportahan kaya sa kabutihan niyang ito, mas lalo lamang niyang naantig ang kanilang puso.
The post Pinoy vlogger na si Ninong Ry, pinuri dahil sa pagluto at pagpapakain sa mga preso appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment