Bibihira lamang talaga para sa mga taong lumaki sa yaman na equal ang pagtingin at pagturing sa mga taong hindi nila pareho ng estado sa buhay kaya sa tuwing nakakasaksi tayo ng ganitong klase na mga tao ay hindi talaga natin napipigilan na makaramdam ng matinding paghanga.
Credit: Richard Gomez YouTube
Parehong kilala sa industriya ng showbiz ang mag-asawang si Lucy Torres at Richard Gomez at bagama’t hindi naman masyadong aktibo sa larangan ng pag-arte ngayon dahil sa pagiging abala nila sa kanilang duties at responsibilities bilang politicians ay hindi pa rin naman nababawasan ang intensity ng kanilang tinatamasang kasikatan bilang celebrities.
Hindi naman natin masyadong napapanood sa telebisyon habang umaarte ang beteranong aktor na si Richard, mapapanood pa rin naman siya sa kanyang vlogs kung saan ay patuloy siyang nagbibigay ng updates kung saan ay madalas niyang kasama ang kanyang asawa o ‘di kaya’y ang kanilang unica hija na si Juliana habang siya’y nagluluto ng iba’t-ibang pagkain.
Credit: Richard Gomez YouTube
Sa latest na vlog na ibinahagi ng actor-politician sa kanyang Youtube channel kumakailan lamang, mapapanood ang kanyang paghahanda at pagluluto ng lobster roll para kay Juliana. Nang natapos sa kanyang ginagawa, kaagad naman na tinawag ni Goma ang anak upang tikman ang hinanda niyang pagkain. Of course, ang hindi inaasahan ng netizens sa episode na ‘to ay ang pagiging malapit ni Juliana sa kanilang mga kasambahay lalong-lalo na sa kanyang personal yaya na pinilit talaga niyang papasukin sa kusina upang tikman ang hinandang pagkain ng kanyang Daddy Richard.
Sa vlog ay kapansin-pansin talaga kung gaano ka-comfortable si Juliana sa kanyang yaya dahil inaakbayan at palagi lang naman niya itong niyayakap. Maliban nito, hindi rin nakatakas sa pansin ng netizens ang loving na relationship sa pagitan ni Juliana at ng kanyang yaya dahil kitang-kita lang naman sa mga mata ng dalaga kung gaano niya kamahal at pinapahalagahan ang kanyang nanny.
Credit: Richard Gomez YouTube
Sa kabila ng katotohanang lumaki siyang napapaligiran ng yaman at ng mga taong pareho lamang ng katayuan ng kanyang pamilya sa buhay, hindi naman kailanman naging matapobre ang anak ni Lucy Torres at Richard Gomez dahil sa treatment pa lamang niya sa kanyang yaya, matitiyak na talaga na wala siyang kinikilalang yaman upang makabuo ng healthy na relationship.
The post Unica hija ni Lucy Torres at Richard Gomez na si Juliana, nabihag ang puso ng netizens dahil sa kanyang pagiging “yaya lover” appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment