Marities mode on!
Credit: Luis Manzano YouTube
Matapos lumabas ang balita tungkol sa separation ni Carla Abellana at Tom Rodriguez, marami talaga ang labis na nas@ktan para sa kanilang dalawa pero sa kabila ng lahat ng pighati, naniniwala pa rin nga ba ang aktres sa pag-ibig?
Simula nang bumuo ng sariling Youtube channel si Luis Manzano, palagi na talaga tayong may supply ng katatawanan dahil sa kanyang hilarious na pranks pati na rin ng libreng Zumba lessons kasama ang kanyang Momskie Vilma Santos pero kumakailan lamang, tila’y nag-upgrade na ang content ng komedyante-aktor dahil sumasabak na rin siya ngayon sa interviews na kung tawagin niyang “Luis Listens”.
Credit: Luis Manzano YouTube
Bagama’t super laki man ng mundo ng showbiz, halos lahat ng mga artista ay kilala ang isa’t-isa marahil ay dahil sa connections at pareho sila ng “line of work” pero sa sitwasyon ni Luis Manzano at Carla Abellana, tila’y naging tulay talaga ng kanilang pagkakaibigan ang katotohanang pareho silang nanggaling sa isang showbiz family kaya sa latest na episode ng “Luis Listens,” sinurpresa ng aktor ang fans nang ibinunyag niyang si Carla Abellana ang guest niya!
Sa ganda at abilidad ni Carla sa pag-arte, imposible talaga na walang nakakakilala sa kanya kaya sa tuwing siya’y may achievement o milestone, awtomatiko talaga itong nalalaman ng lahat pero kalakip din nito ay ang pagiging viral niya sa tuwing may controversial na isyu katulad na lamang sa napabalitang hiwalayan nila ni Tom Rodriguez nitong nakaraang taon.
Matapos umingay ang rumors tungkol sa kanilang hiwalayan, mas pinili naman ng aktres na manahimik na lamang ukol sa isyu sa kabila ng magkakaibang opinyon ng netizens pero makalipas ang isang taon, sa wakas ay binasag na ni Carla ang katahimikan nang nag-guest siya sa “Luis Listens”.
Credit: Luis Manzano YouTube
Sa tanong ni Luis na “Does Carla still believe in love?” ay buong-lakas naman itong sinagot ng aktres.
“Honestly, ang dami namang definition ng love but yes, of course. Kung walang love, wala tayong buhay. Kaya nga tayo nandito sa earth kasi God loves us. Iyong gano’ng mga bagay. There’s family love, the love of my dogs, the love of your friends so love, definitely, oo naman,” saad ni Carla.
Credit: Luis Manzano YouTube
Bagama’t hindi man detalyadong ikinuwento ng aktres ang sitwasyon nila ni Tom Rodriguez, sobrang satisfied naman ngayon ang netizens dahil kahit na’y hindi man ipinaliwanag ni Carla Abellana ang nangyari sa pagitan nila ng kanyang ex-partner, masaya naman silang nakikitang masaya at contented ngayon ang kanilang iniidolong celebrity.
The post Carla Abellana, aminadong naniniwala pa rin sa pag-ibig kahit pagkatapos ng pinagdaanan niya appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment