Bawat taon, inaabangan talaga ng karamihan lalong-lalo na ng mga couple ang pagsapit ng Valentine’s Day pero imbes na maghintay pa sa sa ika-14 na araw ng February ay pinili ng iilan na ipagdiwang ang kanilang pagmamahalan ng mas maaga katulad na lamang ni Kiray Celis at ng kanyang non-showbiz boyfie na nagbakasyon lang naman sa Japan nito lamang Linggo, January 5 kung saan ay hindi lamang pala simpleng pamamasyal ang plano ng kanyang boyfriend dahil naghanda lang naman ito ng malaking surpresa!
Credit: @kiraycelis Instagram
Chikiting pa lamang si Kiray Celis nang sumabak na siya sa pag-aartista. Dahil sa kanyang kahanga-hangang talento sa pag-arte, effortless talaga niyang nabihag ang puso ng fans lalo na’t sobrang natural din ng kanyang kakayahan sa pagbibigay kasiyahan at katatawanan sa madlang people. Sa kabuuan ng kanyang career sa showbiz, kilala siya bilang isang mahusay na aktres at komedyante na hindi kailanman nabigo sa pagbabahagi ng good vibes pero sa likod ng kanyang comedic na side ay ang isang tao na taos-pusong nagpaparamdam sa kanya ng labis na pagmamahal at ito ay ang kanyang non-showbiz boyfie na si Stephan Estopia.
Credit: @kiraycelis Instagram
Noon pa man, open na talaga sa publiko ang personal na buhay ni Kiray kaya nang ibinalita niya sa media ang relationship nila ni Stephan, todo talaga ang suporta na ibinigay ng kanyang fans lalo na’t halata naman kung gaano kasaya at ka-contented ang aktres sa piling ng boyfriend.
Simula nang official na ipinakilala ni Kiray si Stephan sa publiko, madalas talaga sa pagbibigay ng updates ang aktres na palagi namang kinakikiligan ng fans dahil sa kanilang cute na dates at wholesome na bonding moments.
Credit: @kiraycelis Instagram
Of course, ngayong Valentines Day, special talaga ang celebration ng couple dahil ipinagdiwang lang naman nila ito sa Disneyland sa Tokyo, Japan pero lingid sa kaalaman ni Kiray, hindi lamang pala date at pamamasyal ang plano na meron ang kanyang boyfriend dahil may bongga pala siyang surpresa at ito ay ang baon niyang “promise ring” para sa dalaga.
Credit: @kiraycelis Instagram
Sa mga larawang ibinahagi ni Kiray sa Instagram, makikitang nasa tapat sila ng fountain at nakaluhod si Stephan habang isinusuot sa dalaga ang singsing.
“The happiest girl in the happiest place on earth. Thank you for loving me @stephan.estopia! Salamat sa singsing! 😢,” sulat niya sa caption.
Hindi lamang basta-bastang singsing ang ibinigay ni Stephan kay Kiray dahil nangangahulugan lang naman ito ng kanyang katapatan sa pagmamahal na meron siya para sa girlfriend kaya doble talaga ang kilig at assurance na naramdaman ng aktres.
Credit: @kiraycelis Instagram
Sana all may promise ring!
The post Kiray Celis, nakatanggap ng singsing sa non-showbiz niyang boyfriend! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment