Sunday, February 5, 2023

Slater Young at YouTuber na si Oliver Austria, nagharap na sa unang pagkakataon!

Sa maraming similarities ng kani-kanilang field, madalas talaga na naipagkukumpara ang trabaho ng isang engineer at architect. May mga pagkakataon pa nga na napagkakamalang magkakapareho lamang ang kanilang ginagawa pero sa wakas ay tinuldukan na ni Slater Young at Oliver Austria ang assumptions na meron ang karamihan sa kanilang most-awaited na stand-off!

Credit: Slater Young YouTube

Kung quality, knowledgable + funny na content lang naman ang pag-uusapan ay awtomatiko talaga tayong mapapaisip kay Oliver Austria na unang sumikat dahil sa kanyang frank at sensible na reaction sa mga bahay ng Pinoy celebrities. Kabilang na nga sa nabigyan niya ng reaksyon ay ang bahay nina Ivana Alawi, Vice Ganda, Lloyd Cadena, Team Kramer, Buknoy Glamurr, at marami pang iba. Of course, hindi rin nakatakas sa kanya ang Skypod ni Kryz Uy at Slater Young na siyang nagbigay ng opportunity sa pagkakaroon nila ng interactions at collaborations bilang isang architect at engineer.

Credit: Slater Young YouTube

Kung noon ay online lamang ang collaboration ni Slater at Oliver katulad na lamang ng pagkakaroon nila ng Q&A sa FB group na “Home Buddies,” sa wakas ay personal na rin silang nagkita para sumabak sa engineer at architect bardagulan kung saan ay nilinaw nila ang kani-kanilang roles.

Sa vlog na ibinahagi ng dating PBB member, engineer at ngayo’y Youtuber na si Slater, ibinahagi nila ng kanyang kapwa vlogger at architect na si Oliver Austria ang kani-kanilang assumptions at perspective sa isa’t-isa pati na rin kung sino sa kanila ang nagle-lead sa proyekto, “pet peeves,” likes at dislikes sa kani-kanilang clients, kanilang mga takot bilang isang engineer at architect, at marami pang iba.

Ayon kay Slater, sila umano talagang engineers ang responsible sa structural na side ng project habang sa designs naman ang architects na buong-puso namang sinang-ayunan ni Oliver. Sa overlapping nilang expertise, nabanggit nilang pareho na kinakailangan umano na may mutual na understanding ang dalawang pagitan upang mapagtagumpayan ang isang proyekto pero aminado naman silang hindi talaga naiiwasan ang pagkakaroon ng issues katulad na lamang kapag may conflicts sa structure at sa designs kaya mahalaga talaga na marunong mag-compromise ang bawat side.

Credit: Slater Young YouTube

Sa stand-off nilang ito, ang akala’y bardagulan ng karamihan ay nauwi sa malinaw na pag-uusap ni Slater at Oliver dahil isinaboses talaga nila ang issues na madalas na nararanasan ng halos lahat ng engineers at architects kaya nakapagbigay din sila ng tips kung paano masolusyunan at ma-address ang conflicts na maaaring umusbong.

Sa hatid nilang insight, nagsilbi talaga silang inspirasyon lalo na’t mas ginawa lang naman nilang makabuluhan ang trabaho ng isang engineer at architect.

The post Slater Young at YouTuber na si Oliver Austria, nagharap na sa unang pagkakataon! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top