Kung noon ay sa sikat na KDrama na “Twenty Five Twenty One” lamang tayo nakakapanood ng fencing competition, ngayon ay binibigyang buhay na ng anak ni Richard Gomez na si Juliana ang excitement natin sa pagiging athlete niya sa nasabing sport.
Credit: @richardgomezph Instagram
Hindi lamang sa larangan ng basketball at volleyball magagaling ang mga Pinoy. Sadyang hindi lamang talaga masyadong nabibigyang pansin ang mga manlalaro sa ibang sports ngunit sa pagsabak ni Juliana Gomez sa fencing, kaagad na naging sentro ito ng atensyon lalo na’t hindi lamang siya simpleng athlete dahil kaliwa’t kanan lang naman ang paghahakot niya ng awards at mga medalya sa sinasalihan niyang competitions!
Matatandaang kumakailan lamang nag naging matunog sa social media ang pangalan ni Juliana nang nag-uwi siya ng gintong medalya sa “Air Force Open Fencing Championship” sa Bangkok, Thailand at mula ‘nun ay patuloy nang sinusubaybayan ng karamihan ang kanyang journey sa fencing.
Makalipas ang tatlong buwan simula ng kanyang pagkapanalo sa Thailand, muli na naman niyang pinabilib ang mga Pinoy sa pagiging kampyon niya sa UAAP individual epee kung saan ay ibinandera niya ang pride ng UP laban kay Cyrra Vergara ng La Salle.
“🏆2 years in the making.. i’m just getting started,” sulat niya sa kanyang post sa Instagram kalakip ng ibinahagi niya ang larawan ng kanyang “winning moment”.
Credit: @richardgomezph Instagram
Sa malaking feat na ito ni Juliana, kaagad naman na bumuhos ang pagbati ng iilang celebrities na pare-parehong nagpahayag ng kanilang mga papuri at positibong komento para sa dalaga.
“‘graaaaaats juju🏅,” pagbati ni Mavy Legaspi.
“PROUD OF YOU!!! We love you❤❤❤,” sabi ni Marjorie Barretto.
“Amazing ❤,” saad naman ni Leila Alcasid.
Credit: @richardgomezph Instagram
“Awesome!!!🔥🔥🔥👏👏,” ayon kay Isabelle Daza.
Para sa mga hindi aware, dati ring fencing athlete ang ama ni Juliana na si Richard Gomez. Sa katunayan, itinanghal din ang dating aktor at kasalukuyang Leyte representative bilang kampyon sa SEA Games noong 2005 kaya hindi na talaga kataka-taka kung saan namana ni Juliana ang kanyang husay at galing sa fencing.
Sa ipinamalas na kahusayan ni Juliana, binansagan siya ng netizens bilang si Na Hee-do ng Pinas dahil kuhang-kuha umano niya ang awra at vibe ng bidang karakter sa “Twenty Five Twenty One”.
Simula nang sumabak sa fencing, wala talagang pagkakataon na binigo ni Juliana Gomez ang kanyang fans dahil sa bawat competition na kanyang sinasalihan, palagi lang naman siyang humahakot ng recognition.
The post Anak ni Richard Gomez na si Juliana, nag-uwi ng gintong medalya sa UAAP fencing competition! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment