Tapos na ang laban! May nanalo na at ito ay ang walang iba kundi ay si Buboy Villar na kinabog lang naman ang lahat ng naunang entries sa kinagigiliwang timelapse challenge sa social media ngayon.
Credit: Buboy Villar Facebook
Simula nang nabuo ang timelapse na video, marami na talaga ang gumagamit nito dahil nae-encapsulate lang naman sa iisa at maikling video ang lahat ng pangyayari kumpara kung normal na video sa phone ang gagamitin pero dahil natural na makwela tayong mga Pinoy ay ginawa natin itong challenge na kaagad namang pumatok sa karamihan at isa na nga sa mga ito ay ang komedyante at Kapuso aktor na si Buboy Villar.
Habang nagpapahinga sa pool side kasama ang mga kaibigan, naisip ni Buboy na subukan ang timelapse challenge kung saan ay pinabilib niya ang netizens sa entry niya dahil mapagkakamalan talaga na totoo siyang gumagamit ng timelapse gayong ma-effort lamang niyang pinapabilis ang bawat kilos.
Dahil sa “close to perfection” niyang entry sa timelapse challenge, bumuhos talaga ang mga komento ng netizens na pare-parehong muntik nang mapaniwala na totoo talagang gumagamit ang komedyante ng timelapse.
“Apaka galing parang totoo! 👏”
Credit: Buboy Villar Facebook
“Galing! Kung walang nagsasalita, aakalain mo talagang naka-fast forward. 👏 👏 👏”
“HAHAHAHAHHAHAHAHA ANG CUTE KALA MO NAKA TIME LAPS TALAGA”
“HAHAHAH ANG GALENG 😂 😂🔥”
“Solid! Super funny. 😂 😂 😂 😂”
Credit: Buboy Villar Facebook
Sa sobrang solid ng kanyang entry, halos mauto talaga ang netizens na totoo nga na nagta-timelapse si Buboy. Nagpapatunay lamang ito na hindi lamang sa pag-arte at pagpapatawa limited ang abilidad niya dahil may marami pa pala siyang kayang-kayang gawin at isa na nga sa mga ito ay ang pagkukunwaring naka-timelapse ang kanyang bawat kilos.
Ngayong nilapagan na tayo ni Buboy Villar ng pangmalakasang entry sa timelapse challenge, marami na talaga ang nag-aalangan kung matutumbasan pa ba nila ito gayong sobrang perfect na nito.
The post Buboy Villar, pinaniwala ang netizens sa entry niyang timelapse challenge! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment