Thursday, March 16, 2023

Heart Evangelista, kinagiliwan dahil sa pagrampa sa mga kalye sa Paris na may dala-dalang malaking halaman!

Hindi lamang sa suot na mga damit o quality ng mga ito awtomatikong masasabi na fashionista ang isang tao dahil depende rin ito sa kung paano niya dalhin ang sarili katulad na lamang ng fashion icon sa Pinas na si Heart Evangelista na kahit hirap man sa binibitbit ay nananatili pa rin ang poise at elegance!

Credit: @iamhearte Instagram

Hindi lamang beauty at talento sa pag-arte meron si Heart Evangelista dahil kung fashion lang naman ang pag-uusapan ay tiyak na walang makakasapaw sa kanya. Mula sa designer na mga damit, accessories pati sa datingan ay mapapasabi talaga tayong deserve niya ang title na “fashion icon sa Pinas”.

Noon pa man, suki na talaga si Heart sa mga fashion show kaya ngayong papalapit na ang fashion week sa Paris ay present talaga siya ngunit kahit abala sa paghahanda ay nakapaglalaan pa rin naman ng oras ang aktres sa kanyang plantita duties at responsibilities.

Sa post na ibinahagi ni Heart sa Instagram nito lamang bago, makikitang bitbit niya ang isang napakalaking potted na halaman habang naglalakad sa busy street ng Paris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

“Moving in / errands / fashion week,” sulat ni Heart sa kanyang caption.

Bagama’t may bitbit na halaman, hindi naman nasapawan ang kanyang simple at classy na outfit na leather jacket at flared na jeans. Kahit na’y naka-messy bun ang buhok at konting makeup lamang ang suot ay agaw-pansin pa rin talaga ang kagandahan ni Heart.

Credit: @iamhearte Instagram

Nakakayamot naman talaga ang mga pagkakataong sobrang ganda ng ating outfit pero kinakailangan nating magbitbit ng mabigat o kahit anong bagay na makakasira sa ating get-up pero ibahin niyo si Heart dahil kahit isang napakalaking halaman ang dala-dala habang naglalakad ay hindi kailanman nawala ang kanyang poise. Tunay nga na ibang level ang pagiging fashionista niya!

Dahil nito, hindi talaga napigilan ng netizens na purihin ang pagiging classy ni Heart. Iilan lamang ang mga ito sa kanilang comments:

“Ikaw lang ang natatanging napaka chic and beautiful pa rin kahit nagbubuhat ng halaman 💃💃💃”

“Everyone in Paris still looks fashionable doing errands it’s always a fashion show. And you’re so pretty doing errands🔥”

Credit: @iamhearte Instagram

“Still an icon, plantita high fashion🔥”

“Waah .. Wala kong masabi .. Ikaw na talaga ms. Heart 👏👏😘”

“Plantita de heart evangelista😍💜”

Muli lang namang pinatunayan ni Heart sa lahat na hindi lamang nakadepende sa kanyang suot na mga damit ang pagiging fashionista niya dahil kaakibat na talaga sa kanyang pangalan ang pagiging fashion icon!

The post Heart Evangelista, kinagiliwan dahil sa pagrampa sa mga kalye sa Paris na may dala-dalang malaking halaman! appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top