Thursday, March 16, 2023

Ito pala ang rason kung bakit biglang nawala si Eruption sa noontime show na It’s Showtime

Ang buhay ay punong-puno ng uncertainties. Maaaring sa lovelife, passion, o ‘di kaya’y sa trabaho, wala talaga tayong kaalam-alam sa kung anong nga bagay ang mangyayari kaya hanggang may pinanghahawakan ay ibigay talaga natin ang ating best para sa huli ay magagawa natin itong bitawan nang walang kahit anong paghihinayang.

Credit: @eruption23 Instagram

Hindi na panibagong kaalaman para sa karamihan na mayroong hierarchy ang mundo ng showbiz dahil sa pinakataas ay ang mga batikang aktres at mga bigating aktor habang nasa pinakababa naman ang mga celebrity na hindi pa masyadong kilala ng publiko o baguhan lamang sa industriya kaya ang pagkakaroon talaga ng breakthrough ang daan nila upang mapansin at makilala ng mga manonood katulad na lamang ni Eric Tai na sa “It’s Showtime” nagsimulang sumikat.

Binubuo ng sikat at mga bigating celebrity ang TV show na “It’s Showtime” katulad na lamang nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, Jhong Hilario at marami pang iba kaya sa pagpasok ni Eric Tai o mas kilala ng karamihan bilang si Eruption, marami talaga ang napatanong kung sino nga ba ang bagong miyembro ng show pero hindi naman nagtagal nang napamahal ang viewers sa kanya dahil sa makwela niyang personality.

Marahil ay ang madalas na misconception ng iilan kay Eruption ay ang pagiging seryoso dahil sa pagiging hunk niya pero taliwas sa inaasahan ng fans, mahilig pala siya sa jokes at biruan kaya wala talagang ni isang boring na episode sa “It’s Showtime” pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay puno lamang ng kasiyahan ang buhay dahil dumating din ang punto na kinailangang bitawan ng management si Eruption.

Credit: @eruption23 Instagram

Sa interview ni Julius Babao, ikinuwento ni Eruption sa unang pagkakataon ang dahilan ng kanyang biglaang pagkawala sa “It’s Showtime” kung saan ay isiniwalat niyang reformat umano ang dahilan ng kanyang pagkawala sa show noong 2016.

“Reformat. Biglaan eh kasi papasok na ako ng Showtime at kinuha ako ng producer. Sabi niya ‘Pasensya na, Eric. Nagkaroon kami ng reformat and ‘di na kailangan ‘yung services mo dito,'” pagbabalik-tanaw niya sa nangyari.

Imbes na ma-disappoint sa naging desisyon ng management ay nagpasalamat si Eruption sa lahat dahil kahit tinanggal man sa “It’s Showtime” ay ito pa rin ang naging dahilan kung bakit siya nabigyan ng pangalan sa showbiz at sumikat.

Credit: @eruption23 Instagram

“I said ‘thank you’ kasi kilala na ako dahil sa inyo, and I always hold that to my heart na Showtime, maraming salamat. Direk Bobet, thank you so much. Vice… everyone there, thank you because I’m known there as Eruption and I have a name now,” sabi niya.

Aminado man si Eruption na naging masakit para sa kanyang iwan ang pamilyang nabuo niya sa show ay nangingibabaw naman ang kasiyahan niya dahil sa mga magagandang memories na habangbuhay niyang panghahawakan.

Sa paglisan niya sa “It’s Showtime,” kaliwa’t kanan naman ang natanggap niyang opportunities. Isa na nga sa mga ito ay ang pagiging bahagi niya sa “The Amazing Race” sa Singapore kung saan ay mas nakilala pa siya ng karamihan.

Tunay nga sa tuwing may nagsasarang opportunity, may bumubukas namang pinto tungo sa tagumpay.

The post Ito pala ang rason kung bakit biglang nawala si Eruption sa noontime show na It’s Showtime appeared first on Pinoy Online Portal.


No comments:

Post a Comment

Back To Top