Wednesday, April 12, 2023

Anne Curtis, todo ang suporta sa love life ng kanyang Mommy Carmen!

Bawat isa sa atin ay may karapatan magmahal. Walang pinipili si kupido at hindi rin natin napipigilan ang isinisigaw ng damdamin kaya sino nga ba tayo para diktahan ang puso ng isang taong nagmamahal?

Credit: @annecurtissmith Instagram

Marahil ay malaking issue para sa iilan kapag nakakahanap ng ikalawang pagkakataon sa love ang kanilang mga magulang pero hindi naman ganito ang case para sa magkakapatid na Curtis dahil buong-buo lang naman ang pagtanggap nila sa lovelife ng kanilang ina na si Carmen Ojales.

16 taong gulang pa lamang si Anne Curtis nang naghiwalay ang kanyang mga magulang. Marahil ay naging mahirap ito para sa aktres lalo na’t napakabata pa lamang niya noong mga panahong ‘yun ngunit hindi naman niya pinigilan ang sarili na umunawa sa kanyang Mommy Carmen na porket minsan nang nabigo sa pag-ibig at may mga anak na ay wala na itong karapatan na magmahal pang muli. Sa katunayan, todo pa nga ang kanyang suporta sa lovelife nito!

Tulad ni Anne na binansagang “Diyosa” sa Philippine showbiz, isa ring diva ang kanyang Mommy Carmen dahil sobrang active lang naman niya sa Tiktok. Maliban sa pagsabak niya sa bawat trend, todo rin ang kanyang pag-flex sa boyfie na si Jayde!

Credit: @annecurtissmith Instagram

Noong una niyang ipinakilala sa publiko ang 40 taong gulang niyang boyfriend na si Jayde na naka-base ngayon sa UAE, marami talaga ang na-shookt lalo na’t ito ang unang pagkakataon na nag-reveal ng boyfriend si Mommy Carmen.

May iilan pa nga na na-curious kung alam nga ba ito ng kanyang mga anak na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis pero kaagad naman itong binigyang-linaw ni Mommy Carmen nang ibinahagi niya sa Tiktok ang video nila ni Jayde kasama ng kanyang mga anak na sina Tom at Jasmine at boyfriend nito na si Jeff Ortega.

Sa recent na episode ng “It’s Showtime,” idineklara rin ni Anne sa madlang people ang all-out niyang support sa May-December na lovelife ng kanyang Mommy Carmen at Jayde na nasa audience seat. Sa pagiging supportive ng aktres, tinukso pa nga niya ang ina sa pagiging blooming umano nito.

Credit: @carmcurtissmith Instagram

“Blooming si Mama ngayon. Blooming kasi si Mama ngayon, may lovelife!” pagkantyaw ni Anne na sinundan naman ng hiyawan ng kanyang co-host at ng madlang people.

Kahit ano man ang sitwasyon o napagdaanan sa kamay ng pag-ibig ay may karapatan pa rin ang ating puso na tumibok muli at magmahal ulit tulad na lamang ni Anne Curtis na walang ibang hinahangad kundi ay kasiyahan ng ina sa maganda nitong lovelife.

The post Anne Curtis, todo ang suporta sa love life ng kanyang Mommy Carmen! appeared first on Pinoy Online Portal.


Post Comments

No comments:

Post a Comment

Back To Top