Sa sobrang daming ganap ng life pati na rin sa napakahabang panahon na lumipas, maaari talagang mabaon sa ating isipan ang isang memory ngunit sa mahika na dulot ng mga lumang larawan ay bigla na lamang talagang bumubuhos ang magagandang alaala.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
Hindi talaga madali na ipagsabay ang duties ng pagiging isang asawa at ina lalo na kapag kabilang sa industriya ng showbiz kaya maganda talaga na paminsan-minsan ay nakakapagbalik-tanaw tayo sa “good old days” katulad na lamang ng aktres at dating beauty queen na si Charlene Gonzalez na nag-reminisce sa kanyang kolehiyo days nang may natagpuang dating larawan.
Kung hindi niyo alam, isang pre-med na student si Charlene sa Unibersidad ng Santo Tomas kaya marami talaga ang nagulat nang ibinahagi niya ang dating larawan sa Instagram kung saan ay makikita siyang nakasuot ng puting coat kasama ang dati niyang mga kaklase.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
Ayon sa aktres, kuha umano ang larawan noong internship days nila sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City kung saan ay labis umano siyang nag-enjoy dahil hindi lamang nila ito itinuring na requirement sa skwela kundi ay opportunity upang makasalamuha at maka-bonding ang mga pasyente sa nabanggit na ospital.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
“🤍 Major throwback. 🤍 In braces & a pre-med college student at the time. One of my classmates from my university, UST days sent me this picture that was taken during our internship in St Luke’s hospital, Quezon City. Which was one of our requirements in school. I enjoyed it very much as we were given the chance to visit patients and spend time in the hospital… 🥰,” kuwento ni Charlene.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
Marahil ay karamihan sa atin ay hindi na makapaghintay na makapagtapos sa kolehiyo pero sa paglipas ng panahon ay magiging memorya na lamang ang lahat kaya hangga’t maaari, lubos-lubusin talaga natin ang bawat moment tulad na lamang ni Charlene Gonzalez na kahit sobrang layo naman ng kanyang buhay ngayon sa dati ay forever naman niyang dala-dala ang masasaya at magagandang alaala na meron siya noong kanyang kolehiyo days.
The post Charlene Gonzalez, nagbalik-tanaw sa mga magandang alaala mula sa kanyang kolehiyo life! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment