Mukhang may possessive na baby boy!
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Ang numero uno talagang babae sa puso ng mga lalaki ay ang kanilang mga ina kaya mapapansin talaga kung gaano kalala ang pambabakod ng mga chikiting sa tuwing may kahati sila sa atensyon at pagmamahal ng kanilang mommy.
Sa sitwasyon ng mag-ex na si Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, maayos pa rin naman nilang nagagampanan ang kanilang duties at responsibilities bilang mga magulang ni Elias Modesto. Sa katunayan, masaya naman ang chikiting ngayon sa sitwasyon ng kanyang pamilya kahit na’y may kanya-kanya ng partners ang kanyang parents at mapapatunayan naman ito sa magandang relationship niya sa kanyang stepdad na si Derek Ramsay.
Para kay Elias at Derek, tila’y hindi sila dumaan sa awkward na phase dahil kaagad lang naman silang nagkasundo lalo na’t pareho silang mahilig sa pranks. Kung noon ay sa pananakot at panggugulat lamang limited ang kanilang bardagulan, ngayon naman ay pambabakod na ang ginagawa ni Elias sa kanyang Mommy Ellen mula kay Derek.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Sa video na ibinahagi ng celebrity momshie sa Instagram nito lamang nakaraang linggo, mapapanood kung paano sinusubukan ni Derek na humalik kay Ellen habang pilit naman siyang pinipigilan ni Elias.
“Jelly @ramsayderek07 🥰❤️😂,” sulat ni Ellen sa kanyang caption.
View this post on Instagram
Hindi maatim na naaagaw ni Derek ang atensyon ng kanyang Mommy Ellen, todo talaga ang pambabakod na ginagawa ni Elias. Sino ba naman kasi ang hindi magseselos gayong sa tingin ng chikiting ay may kahati na siya sa atensyon at pagmamahal ng kanyang Mommy Ellen? Dahil nito, ganado talaga si Derek na kulitin pa si Elias lalo na’t sobrang cute nito kapag nagseselos.
Hindi pa natatapos sa pisikal nilang bardagulan, muli na namang bumanat ang aktor online dahil sa mismong post ni Ellen sa IG ay nag-comment lang naman siya ng “Mine mine mine!!!” na labis namang kinaaliwan ng netizens.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Kahit na’y hindi man si Derek ang biological na ama ni Elias ay para naman silang tunay na magkadugo dahil sa natural at maganda nilang relationship na mas pinagpatibay ng kanilang araw-araw na bardagulan.
The post Child celebrity na si Elias, labis ang pamamakod na ginawa sa kanyang mommy Ellen Adarna mula kay Derek Ramsay! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment