Sa panahon ngayon, wala ng mga bagay na hindi nagagawa ng mga babae pati na rin ng mga kalalakihan pero tsaka lamang talaga natin napagtatanto ang struggle ng isang bagay kapag nasubukan na natin ito mismo tulad na lamang ng pagsusuot ng heels!
Credit: @mr_enchongdee Instagram
Sa mundo ng showbiz, kahit baguhan o kahit maraming taon ng may experience sa pag-arte ay wala talaga silang pinipiling role lalo na kapag isang panibagong challenge ang handog nito. Bagama’t nakakapanibago man sa damdamin, hindi naman inurungan ni Enchong Dee ang pagkakataong gumanap sa karakter ni Wilhelmina sa pelikulang “Here Comes The Groom” na isang sequel sa box-office na hit noong 2010 na “Here Comes the Groom”.
At dahil ang storya ay umiikot sa anim na indibidwal na nagkapalit ng katawan, kinakailangan talaga ni Enchong na umarte bilang isang lalaki na may pusong babae at mula pa lamang sa napanood nating trailer ay matitiyak talaga nating mabibigyan niya ng hustisya ang gagampanang karakter ngunit sa likod ng promising niyang performance ay ang matinding hirap katulad na lamang ng pagrampa habang nakasuot ng high heels!
Sa recent niyang post sa Instagram, ibinahagi niya sa netizens ang isa sa kanyang mga struggle sa pagganap ng karakter ni Wilhelmina at ito ay ang pagsusuot ng heels. Sa video na kanyang ibinahagi, mapapanood kung paano ipinakita ng komedyanteng si KaladKaren kung paano siya rumampa na sinubukan namang gayahin ni Enchong pagkatapos habang nakasuot ng heels.
Ayon sa aktor, ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na nagsuot siya ng heels at ang mas dumagdag pa sa spice ng challenge nito ay ang pagkakaroon niya lamang ng isang oras para matuto pero sa kabila ng limited na oras, matagumpay pa rin niya itong natutunan.
Credit: @mr_enchongdee Instagram
“This was my first time wearing heels and given 1 hr to learn to walk on it para sa eksena sa #HereComesTheGroom 👠,” pahayag ni Enchong.
Pagbabahagi pa niya, bagama’t gusto man niyang ipagpatuloy pa ang practice para mas maging familiar sa paglalakad habang suot ang heels, hindi na ito kinaya ng kanyang paa at likod.
“Kahit gusto ko magpatuloy sa practice, my feet and lower back started aching already,” aniya.
Sa struggle na kanyang napagdaanan, napagtanto talaga ni Enchong kung gaano kahirap para sa mga kababaihan at ng mga taong nagsusuot nito ang pagsusuot ng heels pero gayunpaman, nagagawa pa rin nilang rumampa nang may confidence na tila ba’y pagmamay-ari nila ang mundo. Dahil nito, kuhang-kuha talaga nila ang respeto at pagkabilib ng aktor.
Credit: @mr_enchongdee Instagram
“Respeto at saludo sa kababaihan at kalalakihan na nagtatrabaho gamit ang sapatos na to,” tugon niya.
Matatandaang ipinalabas noong ika-8 ng Abril ipinalabas sa mga sinehan ang “Here Comes The Groom” at dahil sa de-kalidad na acting ng mga bumidang artista, patuloy talaga sa pagtaas ang rating. Maliban nito, labis din na tinatangkilik at marami rin ang nakaka-appreciate sa karakter ni Wilhelmina lalo na nang ibinahagi ni Enchong Dee ang kanyang struggles para lamang mabigyan ng buhay ang ginampanang role.
The post Enchong Dee, proud na ipinakita ang pagsusuot ng heels! appeared first on Pinoy Online Portal.
No comments:
Post a Comment